Malayo man, malapit din.

Re: https://www.instagram.com/p/BKj7oqGBkKp3lHLJV9VaEq5UkV1d0G4kd0KZwA0/?hl=en&taken-by=storiesundershy


Hindi almusal ang hinahanap ko sa umaga, kundi ang sagot sa problema na kagabi ko pa dinadala. 

Matagal ko nang pinapangarap na mawala nalang ang problema ko pagkagising ko o kaya ako nalang ang mawala. Tatawid ba ako o hindi, sampong sigundo nalang ang natitira sa malaking pulang ilaw sa kalsada na nagdidikta sa galaw ng bawat isa. Nakaugalian ko ng tumingin sa ilaw na hindi para sakin, dahil yung sakin ay hindi naman nasusunod, o kaya mahirap gawin upang makarating sa kabilang pisngi ng kalsada. Hindi ako nakatawid. May kung anong humila sa akin. Malayo pa naman ang pupuntahan ko. Hindi pwedeng may pumigil nanaman sakin. Kelangan makarating ako. Kahit na marami pa ang nakaharang sa daan. Kahit na sankatutak na usok pa ang aking maharap, titiisin ko. Malayo pa ang pupuntahan ko. Malayo pa sa inaakala mo. Hindi na ako makahinga, ang hirap hanapan ng pwesto sa bibig ko. Lakad lang ang ginagawa ko. Hindi ko maramdaman ang pagod at paulit ulit na pagtapak ko sa di pantay na daan, mas nararamadaman ko pa yung kung anong bumabagabag sa damdamin ko.

Lakad.

Malapit na sana ako, konting takbo nalang. 

May pumigil uli sa akin. Hindi pulang ilaw, pero nakayang patigilin ang lakad ko. Sigaw. Maraming tao. Bulungan. Hindi ako makagalaw.


Nakarating na ako. 

Comments

Popular posts from this blog

The real stories under shy

Weak. Lone. Just body