Posts

Showing posts from January, 2014

Malayo man, malapit din.

Image
Re: https://www.instagram.com/p/BKj7oqGBkKp3lHLJV9VaEq5UkV1d0G4kd0KZwA0/?hl=en&taken-by=storiesundershy Hindi almusal ang hinahanap ko sa umaga, kundi ang sagot sa problema na kagabi ko pa dinadala.  Matagal ko nang pinapangarap na mawala nalang ang problema ko pagkagising ko o kaya ako nalang ang mawala. Tatawid ba ako o hindi, sampong sigundo nalang ang natitira sa malaking pulang ilaw sa kalsada na nagdidikta sa galaw ng bawat isa. Nakaugalian ko ng tumingin sa ilaw na hindi para sakin, dahil yung sakin ay hindi naman nasusunod, o kaya mahirap gawin upang makarating sa kabilang pisngi ng kalsada. Hindi ako nakatawid. May kung anong humila sa akin. Malayo pa naman ang pupuntahan ko. Hindi pwedeng may pumigil nanaman sakin. Kelangan makarating ako. Kahit na marami pa ang nakaharang sa daan. Kahit na sankatutak na usok pa ang aking maharap, titiisin ko. Malayo pa ang pupuntahan ko. Malayo pa sa inaakala mo. Hindi na ako makahinga, ang hirap hanapan ng pwesto sa bibig k